kung inaakala nyo na ang storya ng buhay ko ay talagang stressful, depressing at sobrang lungkot ay hindi kayo nagkakamali hahah hindi naman ako over reacting dahil meron din naman akong masasayang bagay na naranasan tulad ng mainlove, magkaron ng madaming kaibigan, gumagala kahit saan at kung anu anu pa pero talagang mas masarap ikuwento ang mga masasaklap na nangyari at mga di malilimutang bagay na kadalasan ay walang naidulot kundi sakit ng pakiramdam o damdamin isa pa ay nais kong malaman ng mga palagiang bumabasa nito kung anu ang mga bagay na kahit kelan ay hindi nila malalaman sa personal at hindi nila aakalaing nararamdaman o ginagawa ko at isa sa dahilan nito ay para maka relate ang mga bumabasa at malaman nilang hindi sila nag iisa ang hirap kasi sa mga taong nalulungkot o depress ay masyado silang self-pitty na akala nila ay sila lang sa mundo ang pinanganak na malas sa buhay atakala nila na hindi sila naiintindihan ng iba.
gumising ako kaninang umaga na hindi ko alam kung anu ang aking pakiramdam marahil ay hindi ko parin matanggap ang pagkakareject sakin nung isang araw saglit akong naupo sa tapat ng aking damitan(closet), nag-isip, nagmuni muni at gumala nanaman ang malikot kong isip. biglang sumagi sa isip kong // mag suicide kaya ako?// hehe mula doon ay naglikot ang aking isip, paanong paraan kya?, bigti?, laslas?, lason?, tatalon sa tulay?, heheh medyo wierd dahil sa halip na umisip ako ng paraan magkaron ng solusyon e umiisip ako ng pagtakas alam ko naman na mali at labag sa batas ng kalikasan ang magpakamatay pero naisip ko cool siguro yun heheh at dahil paranoid ako at usapang kamatayn narin lang eh sumagi din sa isip ko na may bigla nalang susulpot sa aparador ko na isang nilalang na kukuha ng aking kaluluwa nasa isip ko ang isang babae grey ang kulay ng balat at muka itim na buhok mahaba at mukang hindi nasusuklay madilim ang paligid ng mata itim ang kulay ng labi at kahit sa ganung anyo ay makikitang nahihirapan sya at naghahanap ng kasama. tumunog ang alarm ng cellphone ko at bumalik mula sa mga kakaibang imahinasyon ang aking isip, oras na para pumasok sa iskul, exam ko ang araw na ito kaya kahit sobrang tamad akong kumilos ay napiulitan ako kumain, naligo at nag ayos ng sarili umalis ng bahay lumakad papuntang paaralan nag exam at umuwi ng bahay ang lahat ng iyon ay kumain lang ng dalawa at kalahating oras sobrang lapit lang kasi ng iskul sa bahay namin. muyla pag gising ay wala na akong inisip na iba kundi//saan ba ako papunta?, anu ba ang naghihintay para sa akin?, anu ba ang dapat at tama para sa akin?, anu ba ang dapat kong gawin?// medyo komedi dahil habang iniisip ko ito ay may mga soundtrack din na sumasabay sa loob ng kokote ko mga kantang gawa ng mga foreign bands(tear away-drowning pool, perfectly flawed- otep, amy-flyleaf at iba pa) lalo tuloy akong nalungkot tulad ng kantang my own summer nakikita ko ang sarili kong walang magawa at kahit na anung gawin ko ay I end up lying on the same spot staring at the star and I’m F*cking bored with it, alas doe na ng tanghali at halos isang oras na akong sumusulat ng post na ito hindi ko alam kung saan ito patungo at paano ito hihinto(hmm parang kanta ng parokya ni edgar heheh) sana may mangyaring kakaiba sa inaasahan at syempre dapat masaya naman ulit wala na akong maisip isulat kaya hanggang dito nalang muna…
